Biktima ng pagnanakaw umapela sa social media ng tulong, magnanakaw binuking naman ang sarili sa social media

Nahuli ang suspect nang may nakakita na nag post ito sa social media account nito ng larawan nila ng kanyang kasabwat na nakasakay sa motorsiklo na may caption na "nagnakaw ako ng motorsiklo". #PortalJapan See more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspBiktima ng pagnanakaw umapela sa social media ng tulong, magnanakaw binuking naman ang sarili sa social media

TOKYO

Ang social media ay isang tool na madalas nagagamit sa kasamaan, maraming negatibo, mga scammers at mga sexual predetors. Gayunpaman, mas madalas nagagamit din ito para sa kabutihan.

Noong umaga ng Agosto 8, isang motorsiklo ng isang 39-taong-gulang na babae ang ninakaw mula sa parking lot ng kanyang apartment building sa Hakata Ward, Fukuoka City. Bilang karagdagan sa pagreport sa pulisya, ang kapatid ng biktima ay nagpost din ng tulong sa social media, na humihiling na ipagbigay alam kung sinuman na may impormasyon upang mahanap ang bisikleta.

Nagulat na lamang sila at nakatanggap sila ng mahigit 200 na mga tips upang tulungan silang hanapin ang mga salarin  at dahil doon, natagpuan ng pulisya ang motorsiklo nung araw din na yon at inaresto ang 15-taong-gulang na teenager sa kasong pagnanakaw at pag drive ng walang lisensya.

At ayon sa ebidensiya, may kasabwat ang suspect na isa din teenager at hinuli ito.

Nahuli ang suspect nang may nakakita na nag post ito sa social media account nito ng larawan nila ng kanyang kasabwat na nakasakay sa motorsiklo na may caption na “nagnakaw ako ng motorsiklo”.

Source: NHK World

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund