Ang Reality TV star na si Maria Hamasaki ay natagpuang patay dahil diumano sa suicide

Ang pagkamatay ni Hamasaki ay kasunod nuong kay Hana Kimura, sa pagsisimula ng reality show na "Terrace House."

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

TOKYO- Ang reality TV star na si Maria Hamasaki ay natagpuang patay, dahil diumano sa suicide, ayon sa report ng streaming site na AbemaTV, iniulat ng NHK (Ago. 29).

Sa isang pahayag na inilabas noong Agosto 28, sinabi ng AbemaTV na batay sa ebidensya na natagpuan sa pinangyarihan ay pinaniniwalaan na si Hamasaki, ang bituin ng “Suddenly, Marriage,” ng AbemaTV ay kinitil ang sariling buhay. Walang karagdagang impormasyon na ibinigay.

“Nais naming ipahayag ang aming taos-pusong pakikiramay sa lahat ng mga miyembro ng kanyang pamilya, mga kaibigan at kasama sa trabaho,” sinabi sa pahayag.

Ang “Suddenly, Marriage” ay chronicles ng unang 30 araw ng buhay ng isang lalaki at babae matapos na ma-rehistro ang kanilang kasal.

Maria Hamasaki

Noong Agosto 1, nagsimulang mag-broadcast ang site ng ika-apat na season ng programa na pinagbidahan ni Hamasaki at isang co-star bilang kanyang asawa. Kasama din siya sa ikatlong season ng “Bachelor Japan” para sa Amazon Prime Video.

Ang pagkamatay ni Hamasaki ay kasunod nuong kay Hana Kimura, sa pagsisimula ng reality show na “Terrace House.” Kinitil niya ang kanyang buhay noong Mayo.

Source and Image: Tokyo Reporter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund