Ang pangkat ng LDP ay magkakaloob ng pagkain para sa mga batang kapos sa buhay

Sinasabi nila na ang kanilang layunin ay palawakin ang serbisyo sa buong bansa.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Ang mga mambabatas mula sa Liberal Democratic Party ng Japan ay naglulunsad ng isang grupo upang magbigay ng pagkain para sa mga bata na kapos sa pamumuhay.

Ang grupo ng mga mambabatas ay magkakaroon ng inaugural meeting sa susunod na buwan. Sinasabi nila na ang kanilang layunin ay palawakin ang serbisyo sa buong bansa.

Ang Bunkyo Ward sa Tokyo ay kasalukuyang nakikipag-tulungan sa mga nonprofit na organisasyon at mga pribadong kumpanya upang maghatid ng mga pagkain sa mga pamilya na salat sa buhay.

Sinabi ng mga mambabatas na ang paghahatid ng pagkain ay makakatugon sa isang mahalagang pangangailangan, tulad ng maraming mga cafeterias kung saan ang mga bata ay maaaring makatanggap ng libre o murang presyo ng pagkain ay kailangang magsara dahil sa pandemya.

Inaasahan din nila na ang serbisyo ay makakatulong sa mga awtoridad upang makita ang mga maagang palatandaan ng pang-aabuso sa mga bata.

Source: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund