Ang pamahalaan ng Japan ay magpapadala ng mga nars sa southern prefecture ng Okinawa, kung saan ang mga impeksyon sa coronavirus ay tumataas at dumarami.
Ang State Health Minister na si Hashimoto Gaku ay nakipag-pulong kay Gobernador Tamaki Denny noong Linggo sa Okinawa.
Sa isang pagpu-pulong, sinabi ni Tamaki na ang Okinawa ay may pinakamataas na bilang ng mga bagong positibong kaso sa bawat 100,000 katao sa bansa.
Idinagdag niya na ang mga kaso ng impeksyon nanggaling sa mga medikal na pasilidad at ang mga kawani nito ay kailangang sumailalim sa quarantine, na nag-lalagay sa medical system sa mas mahirap na sitwasyon.
Ipinahiwatig ni Tamaki na may kakulangan ng halos 50 mga nars sa prepektura at hiniling na magpadala si Hashimoto sa Okinawa.
Sinabi ni Hashimoto kay Tamaki na gagawin ng gobyerno ang makakaya upang makatulong sa Okinawa, kasama ang National Governors Association.
Sinabi niya na ang mga nars at public health nurses ay agad na idi-dispatch.
Sinabi ni Hashimoto sa mga reporter pagkatapos ng pagpupulong na mangyayari ang pagdi-dispatch sa lalong madaling panahon upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga health care providers sa Okinawa.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation