Ang kemikal na sanhi ng pagsabog ng Beirut ay nakuha ng mga awtoridad

Iniulat ng Al-Jazeera na nakabase sa Qatar noong Miyerkules na ang vessel, na nagdadala ng 2,750 tonelada ng ammonium nitrate na ginawa sa isang chemical plant ay kabilang sa pagaari ng isang negosyanteng Ruso na nakabase sa Panama.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspAng kemikal na sanhi ng pagsabog ng Beirut ay nakuha ng mga awtoridad

Maraming mga media outlet ang nag-ulat na ang compound ng kemikal na pinaghihinalaang sanhi ng malaking pagsabog sa Lebanese Capital ng Beirut ay nasamsam mula sa isang cargo na naglalakbay malapit sa lungsod noong Setyembre 2013.

Ang malaking pagsabog na naganap nuong Martes ay naiulat at nag-iwan ng hindi bababa sa 100 katao ang namatay at halos 5,000 ang nasugatan.

Iniulat ng Al-Jazeera na nakabase sa Qatar noong Miyerkules na ang vessel, na nagdadala ng 2,750 tonelada ng ammonium nitrate na ginawa sa isang chemical plant ay kabilang sa pagaari ng isang negosyanteng Ruso na nakabase sa Panama. Patungo ito ng Mozambique galing Georgia.

Sinakop ng mga Lebanese Authority ang barko at hinuli ang mga tauhan nito nang sila ay napilitang mag-dock sa Beirut matapos makaranas ng mga teknikal na problema sa dagat.

Pinabayaan ng may-ari ang barko at mga kargada nito. Ang ammonium nitrate ay naimbak sa isang hangar sa Beirut simula noon.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund