Ang Kawasaki ay magre-renta ng isang buong theme park para sa mga lokal na estudyante ng elementarya sa Marso ng susnod na taon

Kaya sa halip, ang lungsod ay magre-renta ng isang buong theme park para sa tatlong araw.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspAng Kawasaki ay magre-renta ng isang buong theme park para sa mga lokal na estudyante ng elementarya sa Marso ng susnod na taon

TOKYO- Bawat taon, ang mga paaralang elementarya sa buong Japan ay nag-aayos ng isang class trip para sa mga graduating na estudyante sa ika-anim na baitang upang mag-diwang at lumikha ng magaganda at mahahalagang alaala nang magkakasama. Ang ilan ay naglalakbay sa ibang mga prepektura ang ilan ay naglalakbay sa Tokyo Disneyland, ang ilan ay pumunta sa mga mainit na bukal.

Iyon ang dahilan kung bakit nagpasya ang Lungsod ng Kawasaki, nag-plano sila na ipasyal ang mga estudyante na nasa ika-anim na baitang sa mga lokal na paaralang elementarya sa makasaysayang hot springs ng Nikko sa Prepektura ng Tochigi, ngunit malinaw ang peligro sa pagpasyal nang mga malalaking grupo ng mga bata at gumugol ng mahabang oras nang magkasama sa gitna ng pandemya na patuloy na nagiiwan ng marka sa Japan. Kalaunan nagpadesisyunan ang pagkansela sa biyahe.

Kaya sa halip, ang lungsod ay magre-renta ng isang buong theme park para sa tatlong araw. Mahigit sa 12,000 estudyanteng nasa ika-anim na baitang ang masisiyahan sa Yomiuriland ng Tokyo (na mayroong napakaganda at nakaka-excite na roller coasters) sa loob ng ilang araw sa darating na Marso ng susunod na taon.

Kahit na sa ngayon ay ang mga pagtitipon at pagpasyal sa malaking grupo ng mga bata sa theme park ay napakairesponsable, asahan na lang ng lahat na magiging maayos ang lahat sa darating na Marso 2021.

Ang mga Japanese netizens na sumusuporta sa planong ito ay marahil ito ay sumasalamin kung gaano kaimportante ang nilalayon ng class trips sa kanila.

“Ito ay isang mahusay na plano, sa halip na kanselahin ang lahat.”

“Masuwerte kami na ginagawa ng aming lokal na pamahalaan ang mga ganitong uri ng bagay para sa amin.”

“Magaling!, maisaalang-alang na maraming rides sa theme park na maaari mong gawin ang social distancing. Kamangha-mangha! ”

“Naiiyak ako sa ilang kadahilanan. Inaasahan kong makagawa sila ng mga mahalagang alaala! ”

Source and Image: Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund