Ang Japan ay magbigay ng tulong sa Lebanon pagkatapos ng napakalaking pagsabog

Ang pagsabog na yumanig sa bayan ng Beirut nitong Martes ng gabi ay nagiwan ng 137 katao na namatay at sa halos 5,000 katao ang nasugatan.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

TOKYO- Magbibigay ang gobyerno ng Japan ng mga emergency relief goods kabilang ang 1,800 na kumot, 400 na tolda at 400 tanke ng tubig sa Lebanon matapos ang isang napakalaking pagsabog ng bodega na sumira sa kabisera ng Beirut sa bansa nitong nakaraang linggo.

Maghahandog ang Japan ng tulong sa pamamagitan ng Japan International Cooperation Agency bilang tugon sa isang kahilingan ng gobyerno ng Lebanon sa gitna ng “malapit na relasyon” sa pagitan ng dalawang bansa, sinabi ng Foreign Ministry.

Ang pagsabog na yumanig sa bayan ng Beirut nitong Martes ng gabi ay nagiwan ng 137 katao na namatay at sa halos 5,000 katao ang nasugatan, iniulat ng lokal media. Sinabi ng ministro na ang pinsala mula sa pagsabog ay maaaring umabot sa $ 3 bilyon hanggang $ 5 bilyon.

Ang Punong Ministro na si Shinzo Abe ay naghatid ng mensahe ng pakikiramay nitong Miyerkules sa kanyang Lebanese counterpart na si Hassan Diab, na nagsabing ang mga ulat ng matinding pinsala na dulot ng pagsabog ay nakasisira ng loob at inaasahan niya na ang mga napinsalang mga lugar sa lungsod ay maayos muli sa lalong madaling panahon, ayon sa ang ministeryo.

Source: Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund