Maraming mga pulitiko ang nagha-hayag sa kanilang hangarin patungkol premiership mula noong inihayag ni Punong Ministro Abe Shinzo ang pagbibitiw sa pwesto dahil sa kanyang kalusugan, habang ang ilan sa Liberal Democratic Party ay hinahangad na si Chief Cabinet Secretary Suga Yoshihide ang humalili sa pwesto kay Abe.
Ang Tagapangulo ng Research Council ng LDP na si Kishida Fumio, dating Kalihim-Heneral ng LDP na si Ishiba Shigeru at dating ministro ng internal affairs na si Noda Seiko ay nagpakita ng matinding interes na maging susunod na pinuno.
Sinulat ni Suga sa kanyang blog noong Sabado na gagawin niya ang kanyang makakaya upang maisakatuparan ang kanyang mga responsibilidad upang maprotektahan at mapangalagaan kabuhayan ng mga tao.
Ang dumaraming bilang ng mga tao sa partido na nagna-nais na siya ang humalili sa pwesto ni Abe upang magpatuloy ang mga patakaran, kasama ang pag- tugon sa coronavirus pandemic.
Ang Secretary – General na si Nikai Toshihiro at ang Tagapangulo ng Komite ng Diet Affairs na si Moriyama Hiroshi ay sumang-ayon na magsagawa ng isang pangkalahatang pagpupulong ng mga kasapi ng LDP sa upper ang lower house ng Diet sa pagitan ng Setyembre 13 hanggang 15.
Nagpulong sila noong Sabado ng gabi upang pag-usapan kung paano at kailan pipiliin ang kahalili ni Abe.
Sa ilalim ng normal na proseso, lahat ng mga mambabatas ng LDP Diet at mga miyembro ng partido sa buong bansa ay buboto sa isang halalan.
Ngunit sumang-ayon sila na sa oras na ito ang isang mas mabilis na pagpili ay dapat gawin upang maiwasan ang anumang political vacuum. Sasabihan nila ang mga mambabatas ng LDP Diet at mga kinatawan ng mga prefectural chapters na bumoto.
Ang mga party faction ay hindi pa nageendorso ng anumang mga kandidato sa ngayon, at malapit binabantayan ang bawat isa.
Ang mga kandidato ay maaaring magsimula ng kanilang masigasig na mga gawain pagkatapos ng Martes, kung kailan magpapasya ang ruling party kung kailan at paano mapipili ang susunod na pinuno.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation