TOKYO – Si Fumika Baba, isang tanyag na artista at modelo, ay nag- positibo sa coronavirus, ayon sa kanyang ahensya noong Agosto 14.
Sa isang pahayag, sinabi ng ahensya na nag-positibo sa coronavirus test si Baba , na naging sanhi ng sakit na COVID-19, nitong Agosto 13.
Isang araw bago ang test, si Baba ay nilagnat . Kahit na bumabalik sa normal ang kanyang temperatura nang sumunod na araw, nagpunta siya sa isang institusyong medikal at sumailalim sa polymerase chain reaction test, at nag- positibo ang resulta.
Kasalukuyang nagpapagaling si Baba sa bahay. Ang isang kawani ng ahensya na nakipag-ugnay kay Baba ay nagpa-test din at negatibo ang resulta.
“Kami ay taimtim na humihingi ng paumanhin sa lahat ng kanyang mga tagahanga at mga kasama sa kanyang trabaho sa pagdudulot ng abala at pagkabalisa,” sinabi ng ahensya. “Sa pamamagitan ng gabay ng medical institution at iba pang mga ahensya, patuloy naming subaybayan nang lubusan ang pisikal na kondisyon ni Baba at upang maka-iwas sa impeksyon.”
Ginawa ni Baba ang kanyang film debut noong 2014 na “Puzzle.” Nang sumunod na taon, nagbida siya sa dalawang pelikula sa seryeng “Kamen Rider”.
Source: Tokyo Reporter
Image: Twitter
Join the Conversation