Aichi: 3 nabubulok na bangkay, natagpuan sa isang bahay sa Toyohashi

Ang kaso ay kasalukuyang itinuturing na murder- suicide.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspAichi: 3 nabubulok na bangkay,  natagpuan sa  isang bahay sa Toyohashi

AICHI – Naglunsad ng imbestigasyon ang Aichi Prefectural Police matapos na matuklasan ang tatlong bangkay sa loob ng isang tirahan sa Lungsod ng Toyohashi nitong Martes, ayon sa ulat ng TV Asahi (Agosto 26).

Dakong 4:55 ng hapon, isang kapitbahay ang bumisita sa tirahan, na matatagpuan sa Muroonishicho, kung saan kanyang nakita ang dalawang tao, isang lalaki at isang babae na may edad na 60 o 70s, at nakahandusay malapit sa kusina.

At ang ikatlong tao, na nasa edad na 30 o 40 taong gulang, ay nakabitin ng leeg mula sa isang lubid, ayon sa Toyohashi Police Station.

Ang mga katawan ay hindi kinakitaan ng mga sugat o kahit anong palatandaan na ang mga ito ay pinahirapan. Gayunpaman, nagsimula nang mabulok ang mga ito, sabi ng mga imbestigador.

Ang mga naninirahan sa bahay na iyon ay si Hironori Sugiura, 72, asawa at kanilang anak. Ang kapitbahay ay bumisita upang mangamusta dahil hindi niya nakikita at nakakausap ang mga ito.

Ayon sa mga imbestigador, walang mga palatandaan ng sapilitang pagpasok o panloloob sa tirahan.

Plano ng kapulisan na gamitin ang mga resulta ng mga awtopsiya upang matukoy ang sanhi ng kamatayan ng mga labi. Ang kaso ay kasalukuyang itinuturing na murder- suicide.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund