UTSUNOMIYA, Tochigi
Ang mga pulis sa Utsunomiya, Prepektura ng Tochigi , ay inaresto ang isang 87-anyos na lalaki sa hinala na pagpatay sa kanyang 89-taong-gulang na asawa.
Ayon sa pulisya, ginamit ni Sho Masubuchi ang isang manipis na kurdon upang sakalin ang kanyang asawang si Chiyo dakong 8:30 ng umaga, Sabado, ulat ng Sankei Shimbun.
Pagkatapos ay tinawag niya ang kanyang 65 taong gulang na anak at sinabi sa kanya kung ano ang kanyang nagawa at dadalhin niya ang kanyang asawa sa isang malapit na sementeryo kung saan maaari siyang mamatay kasama nito.
Tumawag ang anak na lalaki sa 110 at agarang sumugod ang kapulisan sa sementeryo kung saan nakita nila si Chiyo na nakahiga sa tabi ng isang lapida, walang malay ngunit buhay. Dinala siya sa ospital kung saan siya binawian ng buhay nuong Linggo ng umaga.
Si Masubuchi, na naroroon din sa sementeryo, ay sinusubukang sakalin ang kanyang sarili sa pamamagitan ng mahigpit na pag-ikot ng kurdon sa paligid kanyang sariling leeg, kung saan sya nagtamo ng minor injury at ligtas, sinabi ng pulisya.
Ayon sa salaysay ni Masubuchi, ang kanyang asawa ay nagdurusa mula sa demensya at hirap itong gumalaw mula pa nang mabali ang kanyang balakang ilang taon na ang nakalilipas.
Sinabi niya sa mga pulis na ikinalulungkot niya na makita siya sa kundisyong iyon at nais na wakasan ang kanyang pagdurusa.
Source: Japan Today
Join the Conversation