FUKUOKA- Ang pulisya sa Nakama, Prepektura ng Fukuoka, ay inaresto ang isang 23-anyos na lalaki sa hinala na inaabuso ang kanyang tatlong taong gulang na stepson.
Ayon sa pulisya, si Ryoga Suemasu, isang manggagawa sa konstruksiyon, ay binugbog ang bata at makailang beses hinampas sa bandang ulo dakong 10:30 ng gabi noong sabado. Iniulat ng Fuji TV , nawalan ng malay ang bata. Linggo ng umaga, ang 22-taong-gulang na ina ng bata ay napansin na may mali sa kanyang anak at agad nilang dinala ni Suemasu ang bata sa isang ospital kung saan kalaunan ay nakipag-ugnay ang mga doktor sa pulisya tungkol sa kaso ng posibleng pag-abuso sa bata.
Noong Lunes, sinabi ng mga doktor na ang batang lalaki ay nagdurusa sa acute subdural hematoma at siya ay nasa malubhang kondisyon, ayon sa ulat ng mga imbestigador.
Sinabi ng pulisya na inamin ni Suematsu na hinahampas at sinusuntok niya ang bata at kaniyang sinasabi na nawalan siya ng pasensiya dahil ayaw pa matulog ng bata.
Dagdag pa ng pulisya na may nadiskubre pa ang mga doktor ang iba pang mga pasa sa katawan ng batang lalaki at naniniwala na maaaring naabuso siya sa maraming okasyon.
Si Suematsu at ang ina ng batang lalaki ay nagsimulang magsama noong Mayo.
Source: Japan Today
Image: Gallery
Join the Conversation