TOKYO
Dalawang aspiring youtuber ang nahuli sa pagpatunog ng adult video sounds sa loob ng Harajuku train station toilet. Layon nilang kunan ang reaksyon ng mga tao kapag napakinggan ito at i-upload sa youtube upang sumikat.
Nangyari ang insidente sa isang banyo na tinatawag na “Tamokuteki Toire” o multipurpose toilet kung saan maaaring magamit ng kahit anong gender at para sa mga disabled at mga baby.
Ayon sa mga taong nakarinig, akala nila ay may gumagawa talaga ng milagro sa loob kung kayat agad nilang tinawagan ng pulis at nag dumating ang mga pulis upang mag imbestiga, nadatnan nila ang dalawang lalaki na nagpapatugtog ng audio galing sa isang porn video na naka speaker pa upang malakas ang audio.
Agad naman silang nahuli on the spot at kinumpiska ang mga video at audio gadgets ng mga ito. Sasampahan naman ang mga suspect ng kinauukulang kaso.
Join the Conversation