Ayon sa isang Japanese insurer na nag-aalok na pansamantalang kupkupin ang mga alagang hayop ng mga taong nahawaan ng coronavirus, may dalawang aso na nasa kustodiya nila ang nag positibo din sa virus.
Sinabi ng Anicom Holdings na ang dalawang aso ay nagmula sa dalawang household sa lugar ng metropolitan ng Tokyo noong huling bahagi ng Hulyo.
Sinabi ng kumpanya na posibleng nahawaan ang mga aso dahil sa contact sa mga may-ari na nag positibo sa virus.
Sinabi nito na ang mga aso ay hindi naman nagpakita ng anumang mga sintomas matapos ma test na positibo at sa katunayan ang resulta ng 2nd test sa isa sa mga ito ay naging negatibo na din.
Sinabi ng Environment Ministry na ito ang unang naiulat na mga kaso kung saan ang mga alagang hayop ay nag positibo sa Japan.
Sinabi ng US Centers for Disease Control and Prevention na “batay sa limitadong impormasyon na magagamit hanggang sa kasalukuyan, ang panganib ng mga hayop na makapanghawa sa tao ng COVID-19 ay itinuturing na mababa.”
NHK World
Join the Conversation