Yamanashi- Kinumpirma ng Yamanashi Prefectural Police na ang isang dismembered na bangkay ang natagpuan kamakailan sa mabundok na lugar ng Minami-Alps City noong nakaraang Linggo, ay sa nawawalang ginang, ulat ng TV Asahi ( Hulyo 6).
Noong Linggo, inihayag ng kapulisan ang resulta ng DNA at nakumpirma ang pagkakakilalan ng biktima na si Ayako Nakatsuji, 71 taong gulang.
Tatlong araw bago madiskubre ang mga labi, isa sa search at rescue team ang naakaamoy ng masasang at kaniya itong sinundan at bumulagta ang ulo ng biktima sa ilalim ng isang tubo. Kalunan natagpuan ng kaniyang mga kasamahan ang isang kamay,paa at damit na natatabunan ng mga dahon.
Ang lugar kung saan natagpuan ang mga labi ng matandang babae ay nasa 100 metro mula sa kung nasaan si Nakatsuji,isang artist ang nagpunta sa lugar upang magpinta ng “ilog” nuong Hunyo 2, siya ay naiulat na nawawala. Ang pag-aari ng biktima na sasakyan at telepono ay natagpuan din sa lugar.
Nasa 15 taon na ang nakalipas nang lumipat si Nakatsuji mula sa Prepektura ng Kanagawa sa Minami-Alps dahil sa nakakaenganyong tanawin ng lugar, ayon sa kapulisan.
Ang angulo ng kaso sa ngayon ay pag-abandona sa isang bangkay.
Source: Tokyo Reporter
Image: Twitter
Join the Conversation