Taga-pamahala ng ilegal na casino: Nag-dagsaan ang mga customer kasunod ng pag-angat ng estado ng emergency”

"Gayunpaman, ang bilang ng mga customer ay dumami kasunod ng pag-angat ng state of emergency, at nagluwag kami sa mga pag-hihigpit na iyon."

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Kinumpiska ng mga pulis ang 14 computer sa isang casino Google nuong nakaraang linggo. (Twitter)

TOKYO – Nasaksihan ng Tokyo Metropolitan Police noong nakaraang linggo ang isang iligal na internet casino sa red light district ng Kabukicho na hindi nagsara sa panahon ng pandemyang dala ng coronavirus , ulat ng TBS News (Hulyo 10).

Noong Hulyo 8, ang mga pulis ay pumasok sa Casino Google at natagpuan ang 14 na mga computer na naka-hook sa isang site sa pagsusugal sa ibang bansa.

Inakusahan ng mga opisyal ang manager na si Yoichiro Kamizato, 36, at tatlong iba pang empleyado na nag-ooperate ng ilegal na sugal.

Tatlong mga customer, na may edad na nasa kanilang 30s hanggang 50s, ay naaresto din sa kaso. Lahat ng pitong mga suspek ay umamin sa mga paratang, sinabi ng kapulisan.

Sa kabila ng mga kahilingan ng pamahalaan, ang Google ay nag-ooperate ng buong araw sa panahon ng nakaraang state of emergency dahil sa pandemya ng coronavirus.

“Sa panahon ng state of emergency, gumawa kami ng alituntunin, tulad ng [nangangailangan ng mga customer] na gumamit ng mga masks at disinfectants,” sabi ni Kamizato. “Gayunpaman, ang bilang ng mga customer ay dumami kasunod ng pag-angat ng state of emergency, at nagluwag kami sa mga pag-hihigpit na iyon.”

Sa pagitan ng unang bahagi ng Mayo at ang raid, ang Google ay pinaniniwalaan na naka-ipon ang 150 milyong yen sa mga benta. Natuklasan din ng pulisya ang mga membership card para sa 800 mga tao sa loob ng casino.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
WU
brastel
Car Match
PNB
Super Nihongo
Flat
TAX refund
TAX refund
Car Match