Tokyo- Ayon sa report ng Sankei Shimbun (Hunyo 30), inaresto ng Tokyo Metropolitan Police ang isang 46- taong gulang na lalaki na nagmula sa Prepektura ng Saitama matapos nitong matagpuan ang bangkay ng kanyang ina noong isang taon sa tirahan nito,at tinangka nito na limasin ang bank account ng ina.
Noong nakaraang Agosto 10, si Takahiro Fujiwara, isang construction worker, ay pinasok ang tahanan ng kanyang ina na 83 anyos na Masako, sa Suginami Ward sa pamamagitan ng pagbasag ng isang bintana at na kung saan natagpuan ang nakahandusay na bangkay ng ina.
Matapos kumpirmahin na patay na ang ina, agad na umalis ang lalake at naiwan ang deodorant bago tumakas sa eksena.” Nasa ospital ang aking ina ” sabi niya sa isang kapitbahay, ayon sa Takaido Police Station.
Nang maaresto siya sa kasong pagiwan sa isang bangkay noong Martes, si Fujiwara, na nakatira nang hiwalay sa Lungsod ng Saitama, ay umamin sa mga paratang sa kanya, ” Nabigla ako kaya tumakas ako” pagamin ng suspek sa mga imbestigador.
Si Masako ay nagsimulang mamuhay mag-isa noong 2013. Minsan bago pumasok sa kanyang bahay si Fujiwara , nabanggit niya sa isang kapitbahay, ” Nagsusuka ako ng dugo kaya’t dadalhin ako sa ospital ng aking anak”.
Matapos niyang bisitahin ang tirahan noong Agosto 10, mayroon siyang kinasabwat na babae na nakatira malapit sa tahanan ng ina, para magpanggap at iwithdraw ang pera ng ina sa banko. Gayunpaman, hindi ito nagtagumpay, ulat ng TV Asahi ( Hunlyo 1).
Kalaunan ay naka-amoy ng masangsang ang isang kapitbahay na nanggagaling sa unit. Gamit ang duplicate key. ang kapitbahay ay pumasok at natagpuan si Masako na patay na sa kaniyang kama.
Ang mga labi ay hindi kinakitaan ng kahit anong panlabas na sugat. At pinaniniwalaang ito ay namatay dahil sa heat stroke.
Source: Tokyo Reporter
Image: Twitter
Join the Conversation