Share
Isang 38-taong-gulang na pulis sa Kashiwa, Chiba Prefecture, ang naaresto sa kasong paglabag sa Road Traffic Law sa pamamagitan ng pagmamaneho habang nasa ilalim ng impluwensya ng alkohol.
Ayon sa pulisya ng Chiba prefectural, si Yoda Hosoya, isang tenyente na naatasan sa Narita International Airport, ay nawalan ng kontrol sa sasakyan na kanyang minamaneho at bumangga sa pader ng isang bahay sa Kashiwa bandang 10:35 a.m. Sabado, iniulat ng Fuji TV. Walang sinuman sa bahay ang nasugatan.
Tinakasan ni Hosoya ang pinangyarihan ng aksidente ngunit na trace ang kanyang sasakyan at kalaunan ay nahuli din ito at nakulong. Inamin naman niya ang charge laban sa kanya at sinabing nag-panic siya at tumakas dahil nakainom siya ng alak.
© Japan Today
Join the Conversation