Patuloy ang operasyon ng pag-sagip sa Kyushu

Sa kasalukuyan libo-libong bahay ang walang kuryente.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspPatuloy ang operasyon ng pag-sagip sa Kyushu

Sa timog-kanluran ng Japan, ang mga emergency crew ay naghahanap ng mga nakaligtas at sinusuri ang pinsala matapos ang mga araw ng malakas na ulan. Ang matinding lagay ng panahon ay nag-iwan ng dose-dosenang mga tao na namatay sa isla ng Kyushu. Hinihiling ng mga weather officials na ang mga tao na manatiling alerto para sa pagguho ng lupa at mga umapaw na ilog.

Sa Prepektura ng Oita, isang pangunahing ilog na umaapaw sa lungsod ng Hita.

Hinahanap ng rescuers ang isang babae sa edad na 70s matapos maanod ang kanyang bahay sa baha . Sinabi ng mga awtoridad na mas maraming pagbaha ang inaasahan sa maraming mga lungsod sa kahabaan ng ilog.

Sa Fukuoka, iniligtas ng mga tauhan ng Self-Defense Forces ang daan-daang mga residente sa lungsod ng Omuta. Ilang oras na silang na-stranded matapos mabaha ang mga bahay at iba pang mga gusali.

Sinabi ng isang babae, “nakakatakot … ang tubig ay nasa aking leeg.”
Ang isa pang babae ay nagsabi, “Ang tubig ay umaabot na sa aking baywang. Ginagamit ko ang lahat ng aking lakas upang makatawid, ngunit halos matangay ako!” .

Natagpuan ng nagre- rescue ang isang matandang babae sa isang lubog na bahay. Kalaunan ay nakumpirma siyang patay.

Ngunit ang pinakatinamaan na prepektura ay ang Kumamoto, kung saan higit sa 50 katao ang namatay.

Ang mga sapa ay baha sa isang dosenang lugar. Ang isang embankment sa kahabaan ng ilog Kuma ay gumuho, at ang isang tulay ay nabuwag.

Ang mga lokal na transportasyon gaya ng tren at bus ay sinuspinde sa buong rehiyon. Sa kasalukuyan libo-libong bahay ang walang kuryente.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund