Ang mga magsasaka sa Lungsod ng Minami-Alps sa Prepektura ng Yamanashi , Kanluran ng Tokyo ay abala sa pag-aani ng mga Japanese Plums.
Ang Prepektura ng Yamanashi ay ang pinakamalaking nagpro-produce ng prutas sa bansa, at ang Minami-Alps ay kilala sa uri ng plum na tinatawag na “Kiyo”.
Ang Kiyo, na dinivelop ng isang magsasaka mula sa lugar, ay malaki at matamis.
Ang Guinness World Records ay kinilala ang prutas na mula sa lungsod bilang ang pinakamabigat na Japanese Plum.
Hindi madaling maka-produce, dahil ang lumalaking Kiyo ay nangangailangan ng maraming pag-aalaga kaya ang isang solong piraso ay maaaring magkahalaga ng 700 yen, o 6.50 sa dolyar.
Ang isang mahabang tag-ulan sa taong ito ay naka-antala ang ani.
Sinabi ng isang opisyal ng kooperatiba ng lokal na magsasaka na ang kabuuang dami ng shipping ay halos 70 porsyento ng dati. Ngunit idinagdag niya na ang inani ay naakagaganda at masarap.
Si Kiyo ay mashi-ship sa unang bahagi ng Agosto.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation