Share
Nagbabala ang mga opisyal sa malakas na mga pag-ulan sa Pacific Coastal Area sa silangang bahagi ng Japan mula Miyerkukes at Huwebes.
Sinabi ng Meteorological Agency na isan low- pressure system at rain front ay lumilikha ng unstable na mga kundisyon sa atmospera, lalo na sa silangang bahagi ng Japan.
Maari itong magdala ng pagkulog at malakas na pagbuhos ng ulan sa mga rehiyon ng Tokai at Kanto- Koshin hanggang Huwebes ng tanghali.
Hinihikayat ng ahensya ang mga taong na maging handa sa peligro ng pag-guho ng lupa at mga pagbaha sa mababang lugar pati na rin sa pamamaga ng mga ilog. Nagbabala din ang mga weather officials laban sa mga pagkidlat , malakas na hangin na kabilang ang mga buhawi.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation