TOKYO – Pinagiisipan ng Mitsubishi Motors na isara ang subsidiary ng Pajero at pagsasara ng isang pabrika sa gitnang Japan na gumagawa ng sports-utility vehicle ng parehong pangalan, ayon sa dalawang source na pamilyar sa issue at sinabi sa Reuters.
Ikinukunsidera ng Mitsubishi na isara ang Pajero Manufacturing Co Ltd at ang pabrika nito sa Prepektura ng Gifu sa loob ng tatlong taon, sinabi ng mga source, na ayaw makilala dahil hindi sila awtorisadong taga-pagsalita sa media.
Sinabi ng isang kinatawan ng Mitsubishi Motors na walang pang napapagpasyahan.
Bilang karagdagan sa Pajero, ang pabrika ng Gifu ay siyang gumagawa ng Mitsubishi Delica D5 mini-van at Mitsubishi Outlander SUV, ang mga ito ay maaaring gawain sa ibang lugar, sinabi ng mga source.
Ang mga Japanese Automakers , kasama ang Mitsubishi Motors ay napilitang muling isaalang-alang ang kanilang mga diskarte habang ang coronavirus pandemic ay pinapababa ang demand sa mga kotse.
Ang Mitsubishi Motors ay nakatakdang ihayag ang mid-term plan nitong Lunes.
Source: Japan Today
Join the Conversation