KYOTO – Isang 35-taong-gulang na lalaki na may tangan na kutsilyo at masugatan ang isang pulis ay binaril sa balikat ng opisyal sa Maizuru, Prepektura ng Kyoto.
Ayon sa mga imbestigador, naganap ang insidente sa isang kalye bandang 1:25 p.m. Iniulat ng Sankei Shimbun na ang isang pulis koban ay nakatanggap ng isang tawag mula sa isang witness na nagreport na may isang lalaki na may hawak na kutsilyo ang palakad-lakad.
Isang opisyal ang nagpunta sa sinsabing lugar. Sinabi ng pulisya na ang suspek, na kinilalang si Katsutoshi Hiramatsu, ay sumalakay sa pulis na may kitchen knife kahit na sinabihan na huwag gumalaw, iniulat ng Sankei Shimbun. Ang opisyal, na nagtamo ng saksak sa kanyang kaliwang braso at mukha, ay napabaligkuwas at hinugot ang kanyang baril. Nagpaputok siya ng isang warning shot at isa pa na tumama sa kanang balikat ni Hiramatsu.
Ang sugatang pulis at tatlong iba pa ay nagpigil kay Hiramatsu. Dinala ang opisyal sa ospital kung saan sinabi ng kapulisan na wala na siya sa peligro.
Sinabi ng pulisya na si Hiramatsu ay naaresto sa kasong frustrated murder at obstructionsa pagganap ng tungkulin ng kapulisan.
Source: Japan Today
Image: Gallery
Join the Conversation