Lalake nanadyang mamangga ng mga babae para makapang chansing arestado sa train station sa Tokyo

Isang 45-taong-gulang na lalaki ang naaresto sa hinalang sadyang pagbunggo sa mga babae na nakakasalubong nito sa platform ng train station upang makapang chansing. #PortalJapan See more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspLalake nanadyang mamangga ng mga babae para makapang chansing arestado sa train station sa Tokyo

TOKYO – Isang 45-taong-gulang na lalaki ang naaresto sa hinalang sadyang pagbunggo sa mga babae na nakakasalubong nito sa platform ng train station upang makapang chansing.

Kapag nabunggo niya umano ang mga kababaihan ay sabay daplis ng mga kamay niya sa mga breast ng biktima, inihayag ng pulisya noong Hulyo 10.

Si Daisuke Nagata, isang residente ng Ota Ward sa Tokyo, ay inakusahan na sadyang pagbangga sa kabuuang anim na kababaihan, kasama ang isang 19-taong gulang na patungo sa kanyang trabaho, sa Tokyu Kamata Station concourse sa apat na araw sa pagitan ng Hunyo 12 at Hulyo 8. Sabay hipo sa suso ng mga biktima gamit ang kamay at minsan ang braso.

Ayon sa suspect, isang beses daw aksidente na nadaplis ang kamay nya sa suso ng kapwa niya pasahero noong nakabanggaan niya ito, at mula daw noon ang nagustuhan niya ang naramadaman niya mula ng insidenteng yon kaya’t nakapag isip daw siya ng ibang paraan para maulit yon. Simula daw noon ay naka 10 beses niya na ginawa ang ganong akto.

Subalit itinanggi ng suspect ang paratang sa kanya this time, wala daw siyang ginagawang ganon kasi nakonsensiya na daw siya dati pa at itinigil niya na daw ang ganoong gawi noon pang Mayo.

Mainichi

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund