Plano ng gobyerno ng Japan na paluwagin na ang mga restrictions o ang pagbabawal sa mga large scale events simula ngayong linggo na may gabay ng mga eksperto sa impeksyon ng coronavirus sa bansa.
Ito ang napagdesisyunan ng mga miyembro ng bagong itinatag na subcomm Committee sa coronavirus na may mga bagong pinagplanuhang panukala noong Lunes.
Sinuportahan ng mga eksperto ang plano upang mapagaan ang mga paghihigpit sa mga events simula sa Hulyo 10 sa kondisyon na ang lahat ng event organizers at mga taong dadalo ay magsagawa ng mahigpit na anti-virus measures upang makasihuro ang kaligtasan ng lahat.
Plano ng gobyerno na itaas ang maximum na bilang ng mga dadalo sa isang event mula sa 1,000 hanggang 5,000 katao.
Plano rin ng gobyerno na magawa ang isang pulong ng subcomm Committee sa susunod na linggo upang marinig ang mga opinyon ng mga eksperto kung paano balansehin sa pagitan ng mga hakbang sa anti-virus at mga aktibidad ng social economics.
Join the Conversation