HIMEJI, Hyogo – Isang lalaki ang naaresto dahil sa salang pagpatay sa isang kakilala sa kanyang apartment sa Kanlurang Japan matapos nitong mag-file ng report tungkol sa domestic violence, sinabi ng pulisya noong Hulyo 13.
Inihayag ng Hyogo Prefectural Police nuong Hulyo 12 na si Akane Taguchi, 24, isang empleyado, ay namatay matapos matagpuang duguan ang tiyan sa kanyang apartment sa isang prefectural housing complex noong hapon ng araw na iyon. Ang pulisya ay naglunsad ng isang pag-iimbestiga sa pagpatay at pagkaraan ng ilang oras ay inaresto si Yuichi Yoshinao, 36, isang part-time na manggagawa na walang permanteng address, matapos siyang sumuko sa Kamigyo Police Station ng Kyoto Prefectural Police Station bandang alas-5:50 ng hapon. Naiulat na inamin niya ang mga paratang laban sa kanya.
Ayon sa pulisya ng Hyogo, si Taguchi ay nakatira kasama ang kanyang 6 na taong gulang na anak. At dakong 1:30 p.m. noong Hulyo 12, sinabi ng anak na lalaki sa kapitbahay na ang kanyang ina ay “sinisigawan ng isang tao at naliligo sa sarili niyang dugo.” Ang kapitbahay ay agad tumawag ng ambulansya. Natagpuan si Taguchi na nakahiga sa sahig sa apartment at isang kutsilyo sa kusina ang naiwan na may bahid ng dugo.
Noong Hunyo, kumonsulta si Taguchi sa Hyogo Prefectural Police’s Shikama Police Station,
na sinasabing binugbog siya ni Yoshinao matapos ang isang pagtatalo. Pinayuhan ng mga opisyales si Taguchi na bumalik upang manirahan kasama ang kanyang mga magulang, at ang iba pang mga hakbang upang maiwasan ang kanyang karahasan ngunit iniurong niya ang reklamo.
Si Fumiaki Takayama, pinuno ng Shikama Police Station, ay nagkomento, “Laking panghihinayang na hindi namin nasagip ang buhay ng biktima.”
Source and Image: The Mainichi
Join the Conversation