SAITAMA
Ang pulisya sa Toda, Saitama Prefecture, ay inaresto ang isang 41-taong-gulang na lalaki dahil sa hinala ng tangkang pagpatay matapos na pag-saksakin ang 41-taong-gulang na pangulo ng isang kumpanya ng konstruksyon na kanyang pinagtatrabahuhan, sa isang izakaya (Japanese-style pub).
Sinabi ng pulisya na si Ryosuke Motohashi, isang manggagawa sa konstruksyon, ay inakusahan na pananasak sa kanyang boss sa bandang tiyan gamit ang isang kutsilyo bandang 9:40 ng gabi. noong Lunes, iniulat ni Sankei Shimbun.
Ang biktima ay dinala sa ospital kung saan sinabi ng mga doktor na ang kanyang mga sugat ay hindi banta sa buhay ng biktima.
Ayon sa pulisya, si Motohashi ay umiinom ng nag-iisa sa izakaya nang ang isa pang empleyado at ang kanilang boss ay pumasok sa pub. Si Motohashi at ang pangulo ay nagsimulang makipagtalo tungkol sa isang problema na may kaugnayan sa trabaho.
Ayon pa sa kapulisan,si Motohashi na nagsasabing nagkakaproblema siya at lalo pang sinisiyasat ang kanyang motibo.
Source: Japan Today
Image: Gallery
Join the Conversation