Nanawagan ang mga opisyal sa Tokyo ng pag-iingat na hakbang laban sa coronavirus sa mga night club sa Shinjuku Kabukicho area, isa sa pinakamalaking entertainment district sa Japan.
Ang kamakailang pagdami ng mga kaso ng impeksyon ng virus sa kabisera ay bahagyang sinisisi sa mga lokasyon ng pag-inom sa nightlife, tulad ng mga host o hostess bar.
Humigit-kumulang 80 katao, kasama ang Shinjuku Ward at Tokyo Metropolitan Government officials, ang nagtipon noong Lunes ng gabi upang magpa-patrol sa lugar ng Kabukicho.
Ang pinuno ng ward na si Yoshizumi Kenichi, ay nagsabi sa mga empleyado at kustomers na ang kinabukasn ng entertainment district ang nakataya.
Hiniling niya sa kanila na maghatid ng nang mensahe na tumatawag sa mga night club upang makipagtulungan mapaglabanan ang pagkalat ng impeksyon.
Nahahati sa mga pangkat, binisita ng mga opisyal ang mga club at hinikayat ang kanilang mga may-ari at empleyado na hayaan ang sariwang hangin sa loob ng kahit isang beses bawat 30 minuto, pati na rin na idis-infect ang mga sofa at upuan pagkatapos umalis ang bawat customer.
Ang mga nagpapatrol ay pnagpa-plano din para sa Martes upang mapuntahan ang lahat ng 300 mga host at hostess club sa distrito.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation