Ang pagkain ng inihaw na eel o “unagi” sa season na ito ay matagal nang tradisyon sa Japan. Sa taong ito ang mga mamimili ay natuwa dahil sa bahagyang pagbaba ng presyo nito.
Sinabi ng Fisheries Agency ng Japan na ang domestic catch ng mga young eels sa Japan para sa cultivation sa pagitan ng nakaraang Nobyembre at Abril ay 17.1 tonelada – ang pinakamataas na antas sa anim na taon.
Kasama ang mga na-import mula sa ibang bansa, may 20.1 tonelada ng mga juvenile eel ang inilagay sa aquaculture pond ngayong panahon. Iyon ay mahigit sa 30 porsyento na mas mataas kaysa sa nakaraang taon.
Nangangahulugan din ito ng mas mababang mga presyo para sa mga mamimili. Ang pangunahing retailer na Aeon ay nagbebenta ng isang inihaw na eel sa halagang 19 dolyar. Iyon ay mahigit sa 10 porsiyento na mas mura kaysa sa nakaraang taon.
Mainichi
Join the Conversation