Gaano katagal mananatili ang virus sa surface? Maaari ba tayong mahawahan mula sa paghawak ng cash?

Base sa reasearch na pinamumunuan ng mga mananaliksik ng National Institutes of Health (NIH) sa Estados Unidos ay natagpuan na ang pagkakaroon ng virus sa mga ibabaw o surface ay nawawala habang tumatagal ngunit depende ito kung anong klaseng surface. #PortalJapan See more⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspGaano katagal mananatili ang virus sa surface?  Maaari ba tayong mahawahan mula sa paghawak ng cash?

Gaano katagal mananatili ang virus sa surface?

Base sa reasearch na pinamumunuan ng mga mananaliksik ng National Institutes of Health (NIH) sa Estados Unidos ay natagpuan na ang pagkakaroon ng virus sa mga ibabaw o surface ay nawawala habang tumatagal ngunit depende ito kung anong klaseng surface. Halimbawa, nananatili ang virus sa copper ng 4 oras at 24 horas naman sa cardboard.

Mas matagal din mananatili ang virus sa iba pang surface. Tatagal sa plastik ng 72 oras at ang stainless steel naman ay sa loob ng 48 oras.

Ang impormasyong ito ay accurate hanggang sa Hunyo 22.

Maaari ba tayong mahawahan mula sa paghawak ng cash?

Ayon kay Propesor Mikamo Hiroshige ng Aichi Medical University, isang espesyalista sa infectious disease control, depende ito sa dami ng virus na naroroon sa cash.

Ngunit sinabi niya kung ang cash ay nahawakan ng isang nahawaang tao, dapat nating isipin na magdadala ito ng virus sa loob ng ilang oras. Upang maiwasan ang impeksyon, sinabi ni Mikamo na dapat nating hugasan ang ating mga kamay gamit ang sabon o disinfectant bago hawakan ang ating bibig o ilong. Sinabi niya na ang mga hakbang na ito ay dapat ding gawin pagkatapos hawakan natin ang anumang binili namin.

Ang impormasyong ito ay accurate hanggang sa Hunyo 23.

@NHK World

 

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund