Share
Ang bilang ng mga patay dahil sa malakas na mga pag-ulan sa Japan nitong mga nakaraang linggo ay umabot na sa 70. Karamihan ng mga biktima ay mga residente ng Prepektura ng Kumamoto at sa ibang lugar sa Kyushu.
Ang isang tao ay natagpuan na wala ng buhay, habang ang 13 iba pa ay hindi pa nabibilang.
Ang mga pulis ay nakatanggap ng mga report mula sa mga taong nawalan ng kontak sa kanilang mga pamilya at kaibigan.
Sinabi ng Fire and Disaster Management Agency na 12,660 na mga bahay at gusali sa 20 na prepektura ang nakumpirma na nasira o nabaha.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation