OSAKA
Ang pulisya sa Neyagawa, Osaka Prefecture, ay inaresto ang isang 20-taong-gulang na lalaki sa hinalang destruction of property nang gupitin nya ang palda ng isang babae na nasa high school gamit ang kutsilyo sa isang train station noon Martes.
Sinabi ng pulisya na ang suspek na si Shoto Kaku, isang part-time worker mula sa Kadoma City, ay pinaghihinalaang siya din ang salarin sa likod ng higit na isang dosena pang katulad na mga insidente na nagta-target sa mga highschool na babae sa paligid ng Neyagawa City sa pagitan ng Hunyo 24 at 27, iniulat ni Sankei Shimbun.
Sinabi ng pulisya na si Kaku ay nasa likuran ng babae sa isang escalator sa loob ng Kayashima Station ng Keihan Electric Railway bandang 7:30 a.m. noong Hunyo 24. Ang dalagita ay patungo sa paaralan noong oras na yon. Sa pamamagitan ng isang kutsilyo na may sukat na 30 cm ang haba, pinutol ni Kaku ang palda na pang school uniform at tumakas sa istasyon ng train.
Lumitaw si Kaku bilang suspect matapos makita sa footage ng surveillance camera sa escalator na siya lamang ang nasa likod ng batang babae. Matapos ang pag-aresto noong Lunes, siya ay nagsabi sa pulisya na, “gusto niyang makita ang underwear ng babae.”
© Japan Today
Join the Conversation