Ang Meteorological Agency ng Japan ay naglabas ng Emergency Warning sa mga malakas na pag-ulan sa bahagi ng mga Prepektura ng Fukuoka, Saga and Nagasaki sa timog – kanlurang bahagi ng bansa , sa rehiyon ng Kyushu.
Ito ang pinakamataas na antas ng ahensya gamit ang 5 Step Scale. Ang mga malubhang pinsala mula sa pagguho ng lupa,pagbaha at iba pang mga panganib ay maaaring nangyari nuon sa mga lugar na tinukoy.
Sinabi ng mga opisyal ng ahensya na ang ulan ay patuloy pa din ang pagbuhos sa mga apektadong lugar, at mukhang ito ay magtatagal pa.
Ang front ay mananatiling aktibo hanggang Martes , na magdadala ng localized thunderstorms sa malawak na bahagi ng Kanluran hanggang Hilagang Japan.
Sa Prepektura ng Oita , ayon sa nakalap na datos, nasa 88 mm ang pag-ulan sa Lungsod ng Hita sa loob ng isang oras, hanggang alas-4 ng umaga. Ang Minamiogui Town sa Prepektura ng Kumamoto ay nagtala ng 74 mm per oras hanggang alas-4 ng umaga.
Ang mga pagbugso ng ulan ay aasahang tatagal hanggang Martes ng tanghali sa Prepektura ng Kumamoto, na patuloy pa din sinasalanta ng malakas na pagulan simula pa noong Sabado.
Dagdag pa ng mga opisyal ng ahensya, ang masamang panahon ay inaasahang tatagal sa malawak na bahagi ng Japan at mananatili sa pangunahing isla ng Honshu hanggang Miyerkules.
Pinapayuhan ang publiko na maging alerto sa mga posibleng pagguho ng lupa, pag-apaw ng mga ilog, at pagbaha sa mga mabababang lugar.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation