Ang mga piraso ng fireball natagpuan malapit sa Tokyo

Sinabi ng mga mananaliksik na ang mga bato ay naglalabas ng radiation, na nagpapahiwatig na sila ay mula sa kalawakan.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspAng mga piraso ng fireball natagpuan malapit sa Tokyo

Dalawang piraso mula sa isang fireball na nakita nang buwang ito na bumabagsak sa kalangitan ng Japan ay natagpuan malapit sa Tokyo.

Ang fireball ay isang meteor na namataan at naobserbahan bandang alas-2:30 ng madaling araw nuong Hulyo 2 sa rehiyon ng Kanto sa silangang Japan, at sa iba pang lugar.

Isang residente ng isang apartment sa lungsod ng Narashino, Chiba Prefecture, ang naka-rinig ng isang malakas na tunog na tila pagsabog sa mga oras na iyon at natagpuan ang dalawang fragment ng bato sa harap ng entrada sa apartment at sa isa pa sa hardin. Ini-report ng residente ang mga natuklasan sa isang malapit na museyo.

Sinasabi ng mga mananaliksik sa National Museum of Nature at Science sa Tokyo na ang mga bato, na tumitimbang ng 63 gramo at 70 gramo, ay pinaniniwalaang mga meteorite habang nagpapakita sila ng mga palatandaan ng pagtunaw sa ibabaw.
Sinabi ng mga mananaliksik na ang mga bato ay naglalabas ng radiation, na nagpapahiwatig na sila ay mula sa kalawakan.

Si Yoneda Shigekazu, na pinuno ng research team, sinabi na bihira sa isang meteor na ma-track habang ang fireball ay nakuha sa video ng mga saksi.

Sinabi ni Yoneda na ang mga meteorite ay mahalaga sa pag-aaral ng mga asteroid.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund