Ang mga Pilipino pub sa Adachi pinagmulan ng 22 kaso ng coronavirus

Halos kalahati sa mga nabanggit na nagpositibo sa Coronavirus ay asymptomatic o walang sintomas na nakita o naramdaman.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
13 katao na konektado sa Socialista Club ang nag-positibo sa Coronavirus mula pa nuong ika-16 ng Hulyo. (Twitter)

Tokyo- Ayon sa ulat ng TV Asahi (Hulyo 21), Dalawampu’t dalawang tao na konektado sa dalawang club sa Adachi Ward na nagtatampok ng mga kababaihang Pilipino ay nasuri na positibo sa coronavirus, ipinahayag ng ward noong Lunes.

Ayon sa ward, isang “kumpol” ng mga impeksyon ang lumitaw sa mga pub Socialista at Venus, na parehong matatagpuan sa lugar ng Takenotsuka.

Noong Hulyo 16, isang babaeng empleyado sa Socialista, may edad na nasa 40, at dalawang empleyadong lalaki at babae sa Venus, na may edad na 30s at 40s, ay sinuri at nag-positibo sa coronavirus, na nagiging sanhi ng sakit na COVID-19. Kabilang sa kanilang mga sintomas ay ang pagtatae, lagnat at pag-ubo, sinabi ng ward.

Noong Lunes, 12 mga empleyado sa Socialista at 6 empleyado at isang customer mula sa Venus ang nag-test at nag-positibo. Sa mga taong ito, higit sa kalahati ay asymptomatic.

“Nais naming matest ang mga taong nagpunta sa dalawang establisyemento na ito,” sabi ng isang kinatawan ng ward.

Gayundin noong Lunes, inihayag ng Pamahalaang Metropolitan ng Tokyo ang 188 mga bagong kaso ng coronavirus sa metropolis. Sa loob ng tatlong sunod-sunod na araw noong nakaraang linggo, halos umabot sa 300 ang pigura.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund