Ang bagong modelo ng Shinkansen Bullet Train ay inilabas na

Bagong modelo ng Shinkansen Bullet Train ang N700S Series

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspAng bagong modelo ng Shinkansen Bullet Train ay inilabas na

Ang isang bagong modelo ng Shinkansen Bullet Train ang N700S Series, ay nagsimula na magserbisyo kasama ang napakaraming taga-hanga na nagdiriwang sa paglabas nito.

Ang mga rail enthusiasts ay sumugod sa platform sa Tokyo Station hanggang sa magbukas ang ticket gate ng 5:30 ng umaga nitong Miyerkules. Kumuha sila ng mga larawan ng bagong-bagong N700S, ang unang pinaka-uograded na modelo sa loob ng 13 taon, at ikaanim na henerasyon na gagamitin sa Tokaido Shinkansen Line.

Ang Central Japan Railway na si President Kaneko Shin ay nagbigay ng isang ceremonial speech bago bumiyahe ang tren ng 6:00 ng umaga pa-Fukuoka.

Sinabi niya na ang N700S ay may pinakamataas na kakayahan sa bawat aspeto, at umaasa siya na masiyahan ang mga pasahero sa pagsakay ng tren.

Ang N700S ay may pinakamataas na operating speed ng 285 kph, kagaya ng naunang modelo ngunit mas tahimik , ang tagtag at air resistance ay nabawasan.

Plano ng kumpanya na magsimula sa apat na tren at magdagdag pa ng 40 sa susunod na tatlong taon.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund