AKITA – Isang 32-anyos na babae ang hinihinalang sumaksak sa kanyang anak na babae sa loob ng isang kotse sa Yurihonjo City noong nakaraang linggo. Siya rin ay pinaniniwalaan na nagtangkang pagpapakamatay, ulat ng TV Asahi (Hulyo 3).
Plano ng pulisya na kwestiyonin si Saori Sato, isang residente ng Yurihonjo, sa salang pagpatay, pagka-galing niya sa kanyang mga pinsala.
Dakong 8:30 ng gabi noong Hulyo 2, ang mga pulis ay nakatanggap ng ulat tungkol sa isang “kotse sa bangketa” sa isang pambansang highway.
Ang mga imbestigador ay agad na rumesponde sa eksena at natagpuan si Sato at ang kanyang anak na babae, na 4 na taong gulang na si Chiai, na duguan mula sa hindi pa natukoy na mga pinsala sa driver’s seat at passenger’s seat , ayon sa pagkakabanggit.
Dinala si Chiai sa isang ospital kung saan siya ay kinumpirmang patay. “Sinaksak ko ang aking anak na babae,” sabi ni Sato sa mga emergency personnel.
Pagdating ng pulisya sa pinangyarihan, ang sasakyan ay nasa taas ng gilid ng highway. May sira ito sa kanang bahagi, marahil resulta ng isang aksidente. Isang kutsilyo ang natagpuan sa loob ng nasabing sasakyan, ayon sa pulisya.
Source: Tokyo Reporter
Image: Twitter
Join the Conversation