Aichi- Inaresto ng Aichi Prefectural Police ang isang 84 taong gulang na babae dahil diumano’y pagsakal sa kanyang anak gamit ang isang electrical cord sa kanilang tirahan sa Lungsod ng Seto nitong weekend, ulat ng Nippon News Network ( Hunyo 29)
Bandang 10:30 ng gabi noong Hunyo 28, si Mariko Kobayashi ay diumano’y gumamit ng isang kurdon ng kuryente upang sakalin ang kanyang 59 anyos na anak na si Yoichi, sa kanilang tirahan sa lugar ng Harayamadai.
Si Yoichi ay isinugod sa ospital, ngunit ito ay binawian ng buhay matapos ang dalawa at kalahating oras, sabi ng pulisya.
” Ang aking anak ay walang trabaho, at madalas kami mag-away dahil sa kanyang madalas na paginom, kaya ko siya sinakal gamit ang kurdon,” salaysay ni Kobayashi sa mga imbestigador sa kasong attempted murder.
Bilang karagdagang sa mga pangyayari bago ang krimen, pinag-aaralan ng mga imbestigador kung iakyat sa murder ang kaso.
Source: Tokyo Reporter
Image: Twitter
Join the Conversation