AICHI – Inilunsad ng Aichi Prefectural Police ang isang imbestigasyon noong nakaraang linggo matapos matagpuan ang bangkay ng isang lalaki na namatay sa Public Employment Service Center sa Lungsod ng Ichinomiya, ulat ng Yomiuri Shimbun (Hulyo 23).
Bandang 5:25 a.m. sa Hulyo 23, isang lokal na residente ang nag-alerto sa mga emergency services tungkol sa “isang tao na nakahandusay” sa tanggapan para sa serbisyo ng Hello Work na pinamamahalaan ng gobyerno.
Ang mga tauhan ng emergency service ay rumisponde sa pinangyarihan ay kinumpirma ang lalaki, na may sugat sa leeg at wala ng buhay. Siya ay pinaniniwalaang nasa edad na 60 o 70s.
Ayon sa Ichinomiya Police Station at sa local fire department, ang lalaki ay natagpuan sa ilalim ng hagdan ng gusali. Ang kanyang ibabang katawan ay walang takip.
Natagpuan ng mga imbestigador ang isang kutsilyo at isang bag na halos 5 metro mula sa kanyang katawan.
Pinagaaralan ng kapulisan ang kaso bilang resulta ng foul play o suicide.
Source: Tokyo Reporter
Image: Gallery
Join the Conversation