Abe- Gobernador ng Osaka makikipagtulungan upang labanan ang virus

Binigyang diin niya na makikipagtulungan sa mga lokal na awtoridad upang maiwasan ang karagdagang kaso sa pagkalat ng virus.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspAbe- Gobernador ng Osaka makikipagtulungan upang labanan ang virus

Sinabi ni Punong Ministro Abe Shinzo sa gobernador ng Osaka Prefecture na makikipagtulungan ang gobyerno sa mga lokal na awtoridad upang pigilan ang mga impeksyon sa coronavirus.

Nakipagkita si Abe kay Gobernador Yoshimura Hirofumi noong Martes sa tanggapan ng punong ministro at tinalakay ang mga hakbang laban sa virus.

Sinabi ni Yoshimura na ang pang-araw-araw na bilang ng mga bagong impeksyon sa Osaka Prefecture ay kamakailan lamang ay tumataas sa halos 20 hanggang 30. Binibigyang diin niya ang kanyang nais na ma-contain ng second wave sa kahit anong posibleng paraan.

Binigyan ni Yoshimura si Abe ng liham na humihiling na baguhin ang batas sa ng mga restawran at iba pang mga pasilidad upang mas pagintingin ang mga hakbang sa pag-iwas kung maganap ang mga cluster infections sa mga establisimiyento, at makipagtulungan sa mga awtoridad sa pagsasagawa ng mga survey.

Nais din ni Yoshimura ng mga ligal na rebisyon upang payagan ang mga gobernador ng prepektura na mag-orderna makansela o suspindihin ang mga operasyon sa negosyo.

Sinabi ni Abe na alam niya ang kahalagahan para sa gobyerno na magpatuloy sa mga hakbang laban sa mga cluster infections. Binigyang diin niya na makikipagtulungan sa mga lokal na awtoridad upang maiwasan ang karagdagang kaso sa pagkalat ng virus.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund