TOKYO
Isang 82-taong-gulang na babae ang namatay matapos siyang saksakin ngng isang babae na may edad 40 taong gulang, parehong pasahero ng isang bus sa Ome, Tokyo, nitong Biyernes.
Ayon sa kapulisan, nangyari ang insidente bandang 3:30 ng hapon. Ang biktima na si Itsuko Kubo, ay pababa na ng bus nang bigla siyang pagsasaksakin sa likod at leeg ng isang babaeng pasahero.
Isang saksi ang tumawag sa 110. Si Kubo ay sinugod sa ospital kung saan siya ay binawian ng buhay.
Sinabi ng pulisya na ang babaeng nanaksak sa biktima ay bumubulong at nag-sasalita mag-isa mula ng maaresto at sinasabing siya ay schizophrenic. Kasalukuyang sinusuri ang suspek upang makita kung mayroon talaga siyang ganuong medikal na kasaysayan.
Source: Japan Today
Image: Gallery
Join the Conversation