Share
YOKOHAMA- Isang 8-taong gulang na batang lalaki na nakasakay sa bisikleta ang nasagasaan ng isang bus sa Yokohama, sinabi ng pulisya noong Sabado, naaresto ang 44 anyos na driver sa salang dangerous driving na nagresulta sa pagkamatay ng biktima.
Ayon sa pulisya, nangyari ang insidente bandang 4:00 ng hapon. Biyernes sa isang T junction sa Tsuzuki Ward, iniulat ng Sankei Shimbun. Sinabi ng pulisya na ang batang si Rikuto Shinkai, ay tumatawid sakay ng kanyang bisikleta kung saan siya ay nasagasaan ng bus na pakanan. Ang bata ay dinala sa ospital kung saan namatay matapos ang dalawang oras.
Walang mga pasahero sa bus ang nasugatan. Inaresto ng pulisya ang driver ng bus, si Seiya Sasaki, sa pinangyarihan.
Source: Japan Today
Join the Conversation