TOKYO
Mahigit sa 3,400 na mga guro at mag-aaral sa higit sa isang dosenang mga pampublikong paaralan sa Yashio Saitama, ang nakadanas ng sakit ng tyan, pagsususka at pagtatae na dulot ng food poisoning.
Sinabi ng opisyal ng Saitama Prefecture noong Huwebes na 3,453 katao sa 15 na elementarya at highschool sa Yashio, ang naapektuhan matapos kumain ng tanghalian na supply ng kooperatiba ng TQC sa mga eskwelahan noong Hunyo 26.
Sa kabuuan ng halos 7,000 katao na nasuri, higit sa 2,000 na mga mag-aaral sa elementarya at mahigit sa 1,100 na mga mag-aaral sa highschool ang nakitaan ng sintomas ng food poisoning, sinabi ng prefecture, na idinagdag nito ang pagsisiyasat nila nv mas maigi upang matukoy ang source ng lason.
Kasama sa tanghalian ang pinirito na manok, isang ulam ng tuna / patatas at seaweed salad, pati na rin ang bigas at miso soup, sinabi nito.
© Thomson Reuters 2020.
Join the Conversation