Sinabi ng Labor Ministry ng Japan na higit sa 32,000 empleyado ang nawalan ng trabaho o nahaharap sa non-renewal ng kanilang mga kontrata sa gitna ng pandemya dala ng coronavirus.
Ang mga opisyal ng ministry ay may datos ng bilang ng mga manggagawa na umabot sa 32,348 simula ng katapusan ng Enero hanggang huli ng Biyernes at may naitala pang 4000 nitong linggo. Ang mga bilang ng empleyado ay nalakap mula sa mga Job Placement Agencies sa buong bansa.
Sa mga nawalan ng trabaho, ang 5,966 ay mga nagtratrabaho sa mga hotel at inn, 5,272 ay sa manufacturing at 4,408 ay mga nagtatrabaho sa pub at restaurant.
Ang kabuuan ng mga di-regular na manggagawa tulad ng part-timers at mga pansamantalang kawani na nawalang ng trabaho sa huling bahagi ng Mayo ay nasa 11,798, kung saan ang ministry nagsinulang mag-ipon ng data sa pamamagitan ng mga forms of employment.
Inihayag din ng ministry na ang tungkol sa 232,500 na mga negosyong na eligible sa retaining jobs subsidy para sa mga bayarin dahil sa pagsasara at pasuweldo sa gitna ng pandemya nitong Biyernes. Napagpasyahan ng ahensya na magbayad nang may katumbas na 1.68 bilyong dolyar.
Sinabi din ng mga opisyal na magpapatuloy sila sa paghimok sa mga negosyo na gamitin ang subsidy program dahil maaaring magiging mahirap para sa kanila ang na panatilihin ang kanilang mga manggagawa.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation