Nagsumite ang Toyota Motor ng request para sa recall ang mahigit 250,000 na mga hybrid na sasakyan ng kanilang customer dahil sa isang maling programa sa computer na kumokontrol sa hybrid power system.
Sakup ng recall ang apat na mga modelo na ibinebenta sa Japan na Prius, Prius Alpha, Auris at Mebius. Ang Mebius ay ibinebenta sa ilalim ng brand ng Daihatsu.
Ang panahon ng paggawa ay nag-iiba ayon sa modelo, ngunit ang lahat ay ginawa sa pagitan ng Pebrero 2014 at Pebrero ng taong ito.
Ang transport Ministry ng Japan ay nagsabing na ang mga sasakyan ay may depekto na programa sa control system na maaaring magpahinto ng mga kotse na tumatakbo sa kalsada.
Ngunit sinabi ng Toyota na hindi pa ito nakakatanggap ng anumang mga ulat ng mga aksidente dahil sa faulty system.
Plano ng kumpanya na ipaalam sa mga may-ari ang problema sa pamamagitan ng mail. Ang mga dealer sa buong bansa ay aayusin ang glitch ng walang bayad.
Join the Conversation