TOKYO (Kyodo) – Nagbigay ng babala si Tokyo Gov. Yuriko Koike sa gitna ng mga palatandaan ng isang posibleng second wave ng coronavirus, dahil sa 34 na kaso ng bagong naiulat sa kabisera ng Japan.
Ang babala na tinawag niyang “Tokyo alert” ay nagsisilbing isang tawag para sa patuloy na pagi-ingat. Ngunit kung tataas pa ang bilang, plano ng gobyerno ng Tokyo na mag-isyu muli ng mga kahilingan sa mga negosyo at mga tao na huminto sa mga aktibidad sa lipunan at pang-ekonomiya.
Sa isang pulong ng coronavirus task force noong Martes, hinikayat ni Koike ang mga residente ng Tokyo na “maging maingat sa pagpunta sa mga lugar tulad ng mga distrito ng nightlife” na naglalagay sa panganib ng mga tao dahil kulob, masikip at malapit na pakikipag-ugnayan sa mga tao.
Mainichi
Join the Conversation