Tokyo- Isang 31 anyos na babae inakusahan sa pag-suffocate sa anak gamit ang kutson

" Nag- alala ako sa kanyang pag-iyak na nakakagambala mga kabitbahay. Kaya ibinalot ko siya sa kutson ngunit hindi ko ninais na pumatay."

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
    Haruka Takeda (Twitter)

Tokyo- Ayon sa ulat ng TV Asahi ( Hunyo 25), Inaresto ng Tokyo Metropolitan Police ang isang 31 anyos na babae dahil umano’y sa pagpatay sa kanyang 2 taong gulang na anak gamit ang isang kutson sa kanilang tirahan sa Machida City.

Sa pagitan ng 8:50 at 9:40 ng gabi noong Martes, si Haruka Takeda, ay iniwan si Sotaro na nakabalot sa loob ng kutson sa ikalawang palapag ng kanilang tirahan.

Matapos natagpuan ni Takeda ang bata na hindi na humihinga, agad siyang tumawag sa kapulisan. Ang bata ay nakumpirmang namatay sa isang ospital dakong 11:15 ng hating gabi.

Sa kanyang pagkakaaresto sa salang pagpatay sa anak noong Miyerkules, mariing itinanggi ni Takeda ang mga paratang, ” Nag- alala ako sa kanyang pag-iyak na nakakagambala mga kabitbahay. Kaya ibinalot ko siya sa kutson ngunit hindi ko ninais na pumatay,” sabi ng suspek sa mga imbestigador.

May timbang na 4.8 kilos ang kutson ang kutson na kanyang ilang beses na ginamit upang mapatahan ang anak sa pag-iyak. ” Akala ko ayos lang ang lahat” dagdag pa ng suspect.

Kasama din ni Takeda manirahan sa bahay ang kanyang asawa, 37, at ang kakabambal na babae ni Sotaro. Bago ang kagimbal-gimbal na insidente nasa unang palapag ng tahanan ang mag-anak nang nagsimula umiyak si Sotaro, dinala siya ni Takeda sa taas.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund