Tokyo- Ang mga parke ng Tokyo Disney ay magbubukas muli sa Hulyo 1 matapos ang pagsasara dahil sa coronavirus

Tokyo Disneyland sa Prepektura ng Chiba.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Ang larawang ito ay kuha mula sa Kyodo News helicopter nuong February 28, 2020. Ipinapa-kita rito ang Tokyo Disney Land sa Urayasu, Chiba Prefecture. (Kyodo)

Tokyo ( Kyodo)- Tokyo Disneyland and Tokyo DisneySea ay muling magsisimula ang kanilang operasyon sa Hulyo 1 matapos magsara ng apat na buwan dahil sa pandemya, sabi ng Oriental Land Co.

Ang nasabing pasyalan ay nag-sara mula pa nuong huling yugto ng Pebrero. Ang nasabing hakbang ay isinagawa alinsunod sa pag-lift ng restriction ng bansang Japan sa mga negosyo at travel sa buong borders ng prepektura nuong ika-19 ng Hunyo upang maiwasan ang patuloy na pag-kalat ng virus.

Ang operator ay mag-sisimulang mag-benta ng mga tickets, na valid lamang sa mga itinakdang mga petsa sa kanilang website mula alas-3:00 nhmg hapon sa Huwebes. Ang fixed-date tickets ay magpapa-hintulot sa mga bisita na maka-pasok sa parke sa tatlong magkaka-ibang time slots upang malimitahan ang entry upang masunod pa rin ang social distancing.

Ang operating hours ng pasyalan ay mas magiging maikli. Ito ay mag-sisimula mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-8:00 lamang ng gabi.

Para sa mga adults, ang isang full-day ticket na magpapa-hintulot sa mga bisita na maka-pasok ng parke matapos ang alas-8 ng umaga ay nagkaka-halaga ng ¥8,200 ($77), habang ang pang-alas-11:00 am ay nagkaka-halaga ng ¥7,300. At para naman sa pang alas-2:00 ng hapon ay ¥6,300.

Ang lahat ng bisita ay kinakailangang sumailalim sa body temperature checks at dapat na naka-suot ng mask upang makapasok sa loob ng parke.

Ayon sa mga operator, ang kanilang pasilidad at restaurant ay patatakbuhin para sa kaunti o bilang na kostumer lamang habang ang ilang entertainment shows tulad ng night time Tokyo Disneyland Electrical Parade Dreamlights ay mananatiling kanselado.

Ipinalano ng Oriental Land na mag-bukas ang isang parte ng kanilang pasyalan na nag-tatampok sa movie na “Beauty and the Beast” nitong Abril, ngunit sinabi nila na ito ay pag-dedesisyonan kung kailan muling bubuksan matapos ma-monitor ang sitwasyon.

Source and Image: The Mainichi

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund