TOKYO (Kyodo) – Sinabi ng Starbucks Coffee Japan Ltd nitong Miyerkules na bubuksan nito ang kanilang pinaka unang store sa bansa na may sign language service para sa mga may kapansanan sa pandinig.
Magbubukas ang store sa Sabado sa Kunitachi, kanlurang Tokyo, na may 19 na mga empleyado na may kapansanan sa pandinig sa 25 na mga staff nito.
Ang bagong branch ay ang ikalimang “sign language store” sa buong mundo na pinapatakbo ng US chain ng Starbucks Corp. dahil sa pagsisikap na gumawa ng mga store na mayroong inclusion.
Sa ngayon, ang coffee chain ay mayroong sign language service sa apat na mga store nila sa Malaysia, Estados Unidos at China. Ang ilang mga empleyado na may kapansanan sa pandinig sa Japan ay naghangad din na magkaroon ng sign language store dito sa Japan pagkatapos ng unang pagbukas ng nasabing tindahan sa Malaysia noong 2016.
Source: The Mainichi
Join the Conversation