Inacknowledge ng Punong Ministro ng Japan na si Shinzo Abe sa isang pagpupulong ng Parliamentary Commitee nuong Hunyo 15 na maaring isa alang- alang ng Pamahalaang Japan na magsagawa ng isang panukala nang Stay at Home Order para maiwasan ang pagkalat ng novel coronavirus at mapapatawan ng kaukulang parusa ang sinumang hindi susunod sa naturang ordinansa.
Patugon sa isang katanungan na tinanong sa House of Councillors Audit Commitee meeting na si Makoto Nagamine, isang miyembro ng Liberal Democratic Party, sinabi ni Abe, ” Kung tayo ay nasa isang sitwasyon kung talagang kinakailangan mangibabaw ang kaligtasan ng lahat , siyempre ating pagaaralan ang panukalang pagpapatupad ng Stay at Home Orders, ngunit may magiging kumpliksyon ang panukalang ito sa pribadong karapatan ng ating mamayan , kung kaya’t dapat natin pag-isapang mabuti ang pagsasabatas nito.”
Sa ilalim ng umiiral na batas, ang mga gobernador ng prepektura ay maaring makiusap sa kanyang nasasakupan na huwag lumabas ng bahay kung hindi kinakailangan, ngunit hindi sila maaring magpataw ng kahit anong uri ng kaparusahan sa mga hindi susunod sa paalala ng local ng gobyerno.
Ang uri ng striktong lockdown na nakikita at ipinapatupad ng mga bansa sa ibayong dagat ay hindi kinikilala ng Japanese Law.
Source and Image: The Mainichi
Join the Conversation